Most active topic starters | |
|
| Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? | |
| | Author | Message |
---|
Newbie
Posts : 110 Points : 62751 Reputation : -3 Join date : 2010-02-11
| Subject: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Sun Jun 12, 2011 8:38 pm | |
| Tingin ko ay wala tayong magagawa kung sakupin ng China ang mga islang hawak ng Pilipinas...tingin ko ay hindi tutulong ang US. Malamang ay magproprotesta lang ang gobyerno ng Pilipinas tapos ay wala rin mangyayari. Mga ilan taon lang ay normal na ulit ang relasyon ng Pilipinas at China.
Tingin ko ay maraming mamamatay kung magkakagiyera ang Pilipinas at China. Hula ko...ang magtapang-tapangan ang unang mamamatay.
Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay ang hina-hina ng AFP...parang sinasadya na gawing mahina. Bakit ang daming mas mahirap na bansa sa atin ang mas moderno ang armed forces...ikumpara nyo na lang ang Bangladesh sa Pilipinas.
Ano ba ang opinion nyo sa mga Tsinoy elected at appointed officials ng gov't...tingin ko kasi ay dapat na silang ipagbawal na maging bahagi ng gov't for national security reasons.
Sa opinyon ko ay dapat nang ituring na hostile enemy country ang China. | |
| | | josie
Posts : 188 Points : 75040 Reputation : -2 Join date : 2009-08-09
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Mon Jun 13, 2011 6:33 am | |
| There are so many comments posted in inq 7.
It is written that those who dont believe God will do abomination or wicked things,further studies and research for how many denomination in china.
There is war in trade,currency,ideas,physical and spiritual, Good versus Evil.
It is better a dog alive Than a dead lion.
Good to have faith in God,than dont believe in God. For me there are many lion in the Philippine and they will going to their part. | |
| | | ArawNgKalayaan
Posts : 1 Points : 49160 Reputation : 0 Join date : 2011-06-12
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Mon Jun 13, 2011 6:07 pm | |
| I watched the Independence Day Celebration kahapon and I was very very disappointed. Puro theater shows lang ang palabas at parada ng mga pulitiko. Buti pa nung panahon ni Marcos, may mga fly-bys ng mga fighter planes, Parada ng Kasaysayan Ng Lahi, show of force ng AFP, mga barkong nagpapaputok sa Manila Bay, at participation ng mga civic action groups. Ngayon parang Kalayaan lang ng iilan sa gobyerno ang ipinagdidiwang nila. Kahit yung mga PMAers din di kagaya nung araw na matikas at naka crew cut. Ngayon mahahaba na ang buhok at sablay pang magmartsa. Kahit sa military drills, di na rin tayo uubra sa mga karatig bansa sa Asya. Nag browse nga ako minsan sa isang defense forum, nagulat ako kasi yung mga eroplano nun mas moderno di hamak sa mga eroplano natin ngayo. Grabe, pa-backward na talaga ang Pilipinas. Heto po ang katibayan, taken from 1960 during the time of Pres. Marcos. Yung "Blue Diamonds" the acrobatic fighter squadron ng AFP performance. | |
| | | Newbie
Posts : 110 Points : 62751 Reputation : -3 Join date : 2010-02-11
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Sun Jun 19, 2011 6:42 pm | |
| Philippine Star Wednesday June 15, 2011 CTalk by Cito Beltran
The cool morning mist would still be visible everytime Sato-san would show up for work. He was always early, well dressed and always carrying his bucket of garden tools. Yes, Sato-san, the master gardener was truly skilled with plants, especially with creating Japanese gardens.
Each morning as he tended the garden, Sato-san would bow in respect whenever his employer, Mr. Guerrero would come to appreciate Sato-san's handiwork. Through the years they had almost perfected this ceremonial meet and bow in their common paradise.
Then one morning, the whole world went upside down.
That morning, Sato-san arrived very differently. He no longer wore his gardener's garb nor did he bring his gardener's tools, he was also no longer Sato-san. That day he was not going to do the traditional bow of respect to his employer Mr. Guerrero.
Dressed in the uniform of an official of the Japanese Imperial Army, Colonel Sato arrived with knee high boots, a pistol on his right ang a samurai on his left. He did not come to tend the garden he came to occupy it, along with the house, the city and the country.
=======================================================
Ganitong-ganito rin ang kwento sa akin ng uncle ko. Kung gusto tayong sakupin ng China ay ganito rin ang gagawin nila. Pero sa tingin ko...sa ngayon...wala pa naman silang balak na sakupin ang Pilipinas. Gusto lang nilang angkinin ang halos buong South China Sea.
Pag araw-araw na pinapalabas ang tungkol sa spratlys ay malamang ay tataas ang sinophobia dito sa Pilipinas.
Tingin ko...majority sa mga pulitiko dito sa bansa natin ay lacking ang patriotism at nationalism kaya malamang ay hindi madedeklara ng giyera ang Pilipinas kahit i-occupy ng China ang buong Spratlys at reed bank.
Hula ko ay aabutan ko pa ang World War III sa pagitan ng China at US.
=======================================================
Tingin ko ay sinophile ang mga leftist dito sa bansa natin...kung hindi pa pinuna ni Ted Failon ay hindi pa sila magra-rally sa Chinese embassy.
| |
| | | al.plata
Posts : 335 Points : 99963 Reputation : 5 Join date : 2009-08-16 Location : Quezon City
| Subject: ano ang hula Sun Jun 19, 2011 11:05 pm | |
| ang Spratly Islands ay pagaari ng Pilipinas. ang problema ay inaangkin ng mga ibang bansa dahilan sa may mga gas deposits at malamang mayroon din na oil deposits. hindi naman kayang ipagtanggol ng bansa natin, hindi naman magkakagulo, dahilan sa alam nila na kung dadalin sa united nations, ito ay papabor sa atin. tiyak na nais lang ng china na sila ang makakuha ng langis dito. may mga itinayo na ang china sa ilang mga pulo-puluan doon (wala namang lupa sa ibabaw ng tubig) at hindi na sila aalis doon. ginawa din ito ng vietnam at taiwan.. maraming problema at hindi agad mawawala.. | |
| | | kolektor
Posts : 108 Points : 65764 Reputation : 7 Join date : 2009-02-26
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Mon Jun 20, 2011 3:49 pm | |
| I think if we want China respect our territories, we should stop sending DH to Hongkong and China mainland first. Paano tayo makapagmamalaki sa China eh halos lahat yata ng products, establishments, and business eh ari ng mga Chinese. Tama si Newbie, malamang hanggang protest lang tayo sa UN.
Kung gusto ng AFP na mag modernize, I think they should cut the number of our soldiers and instead allocate the budget for the procurement of arms. Kase tingin ko even though wala namang eroplano ang air force at walang barko ang navy, eh marami tayong pinasasahod na ground crews and personnel sa Air Force at Navy. Dapat din ma abolish na PMA, PMMA, at PNPA kasi breeding ground lang yan ng mga BUWAYA sa AFP. Lakas pang gumastos ng mga Kadete dyan eh wala naman tayong pakinabang, pagka graduate nyan tinatablan din naman ng bala. Di naman applicable sa atin ang Military Academy kasi di naman pang foreign invasion o national defense ang pwersa natin kundi pang counter insurgency lang.
Dapat din bawasan ang ang mga rank ng Generals natin at mga officers kasi ang laki ng mga sweldo wala namang pinamumunuan. Manatakin mo meron tayong mga 4 star Generals ganung ang size ng pwersa natin ay pang 1-star general lang. Isa pa matuto dapat ang Pilipinas na maging self-sustanaible kasi may karapatan naman tayo dahil we have the Natural resources to do it. Ang Germany nga at France walang mga mines yan pero tingnan mo kung gaano kaunlad.
| |
| | | Newbie
Posts : 110 Points : 62751 Reputation : -3 Join date : 2010-02-11
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Sat Jul 02, 2011 4:03 pm | |
| Ang kailangan kasing gawin ng gov't natin ay palakihin ang income nito. Bakit hindi ikansela lahat ang logging permit ng mga pribadong tao at kumpanya, at maging monopoly na lang ng gov't ang pagtrotroso??? Tingin ko ay bilyon-bilyon ang kayang kitain ng gov't dito.
Kung gusto ng gov't na trilyon-trilyon ang kitain nila...ay bakit hindi nila gawing industrial forest ang mga panot na bundok. Milyon-milyon na ektarya na nakatiwangwang lang ang mapapakinabangan. Ang problema lang dito ay kailangan pang maghintay ng ilan taon bago mapakinabangan.
Saka dapat ay itaas at buwisan ang lahat ng tao rito sa Pilipinas...ibalik yung lumang patakaran na kung wala kang pangbayad sa buwis ay obligado kang magtrabaho para sa gov't.
======================================================
Since 1933 pa pala ay kinontra na ng Pilipinas ang pag-angkin sa Spratlys ng mga French. Ibig sabihin nuon ay panahon pa ng mga Amerikano ay tinuturing na ng Pilipinas na pag-aari nito ang buong Spratlys.
http://earldoriman.blogspot.com/2011/06/spratlys-conflict-chinas-bullying.html
Saka wala palang legal basis ang claim ng China. Ang Pilipinas ang may pinakamalakas na legal claim sa buong spratlys.
| |
| | | josie
Posts : 188 Points : 75040 Reputation : -2 Join date : 2009-08-09
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Sun Jul 17, 2011 6:59 am | |
| Land survey.
Most of Great Britain land have surveyed seen some map in the web that they use triangular method to draw a map,as far I can remember that there is a documentary between two surveyor one in France and one in Britain in the past,dont know whether the USA adopt that kind of survey in the Philippines or the Philippines have a record or map during US administration,others say if the islands is nearest to plate of whos land or country others say historically not by proximity.who did recognize and accepted that in the past that it is china sea?just wonder where is the boundaries of the ancient roman empire that there might be a lost roman legion or fort found beyond the boundaries of india and china.
China do plan 100 years seen some in the TV, Spratlys is like a piece in chess with queen and horse combine,they can watch there back if they will pass to Thailand canal and not follow other known route going to indonesia a short cut, all passing to that area will ask permission to whoever control of it,its just like russia trying access a sea route in the west of Europe etc.
| |
| | | richardthebrave
Posts : 76 Points : 56344 Reputation : 4 Join date : 2011-02-27
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? Tue Jul 19, 2011 12:25 am | |
| it is a bad time for China to be militarily asserting her claims right now.
lalo na at papunta sa potential default ang US. lumalabas they are taking advantage of the situation which will look bad on them kapag nagkaroon ng giyera. being the bully will get them no support.
though ewan ko lang sa Malaysia. itong huling last defence conference with ASEAN countries, Malaysia defended China. mukhang may kasunduan ang dalawa.
off-topic: there was a previous think-tank paper released before discussing a possible war with the China-Malaysia alliance against Singapore-Philippines. It was mentioned there the Philippines would fall in less than a week. Singapore siguro mga 2 weeks pa. i am still looking for that document though | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? | |
| |
| | | | Ano hula nyo sa away ng Pilipinas at China sa Spratlys??? | |
|
Similar topics | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
|
November 2024 | Mon | Tue | Wed | Thu | Fri | Sat | Sun |
---|
| | | | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | | Calendar |
|
Social bookmarking |
Bookmark and share the address of on your social bookmarking website
Bookmark and share the address of Filipino Numismatist on your social bookmarking website |
|
feeds | |
Who is online? | In total there are 9 users online :: 0 Registered, 0 Hidden and 9 Guests None Most users ever online was 148 on Tue Oct 22, 2024 6:44 pm |
|