Hi, welcome po sa forum. Meron po tayong batas na nagbabawal sa pagbebenta o paglalabas sa ating bansa ng ating mga "cultural treasures" gaya ng mga rare coins, medals, militaria, at iba pa pero hindi po ito masyado naipapatupad sa ating mga airport at pantalan. Pero sa mga coins nyo na nabanggit eh wala naman po, maliban na lang po kung medyo napakarami ng dala nyo. Gaano po ba karami?